(This article is intended for Filipino readers. This was translated from the article written by Bro. Richard Gan entitled “WATER BAPTISM
in the Name of the Lord Jesus Christ.”)
Ang Bautismo sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo ay ang ORIHINAL NA BAUTISMO na isinagawa sa Bibliya. Ito ay hindi na bago at matagal nang sinasagawa ng mga Apostol, kaya kung babasahin nating mabuti ang Banal na Kasulatan, makikita nating wala ni isang tao sa buong Bibliya ang nabautismuhan sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa halos 330 na taon pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus, lahat ng tao ay nabautismuhan sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo. Ngunit noong itinatag ang simbahang Romano Katoliko at naging isang denominasyon, binago nila ito at sila ay nagsimulang magbautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang mga Church History Books ay nagpapatunay na ang bautismo nila ay hindi ang orihinal na bautismo. Ilan sa mga librong ito na partikular na matatagpuan sa mga pampublikong aklatan, ay nagsasabi:
BRITANNICA ENCYCLOPEDIA – “Everywhere in the oldest sources, it states that baptism took place in the Name of Jesus Christ.” (11th Edition/Vol.3/p.82)
CANNY ENCYCLOPEDIA OF RELIGION – “The Early Church always baptized in the Name of the Lord Jesus until the development of the Trinity Doctrine in the 3rd Century.” (Pp. 53).
HASTINGS ENCYCLOPEDIA OF RELIGION – “Christian Baptism was administered using the words “In the Name of Jesus”. The use of a Trinity formula of any sort was not suggested in the early church history. Baptism was always in the Name of the Lord Jesus until the time of Justin Maryr when triune formula was used.” (Volume 2/PP. 377-378.)
Maari mo ring tingnan ang mga sumusunod:
Dictionary of the Bible – Scribners – Vol.1, Page 241.
New International Encyclopedia – Vol.22, Page 476.
Dictionary of the Bible – James Hastings.
Marami pang ibang mga libro at babasahin na maaari mong konsultahin tungkol dito. Ang mga librong ito, at ang iba pa na hindi ko na babanggitin, ay nagpapatunay na ang bautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo ay isang TRADISYON NG TAO, na inumpisahan ng simbahang Romano Katoliko na ginaya at isinagawa rin ng halos lahat ng iba pang mga denominasyon ngayon. ITO AY ISANG MALI AT HUWAD NA BAUTISMO.
Nalalaman natin na pagkatapos magumpisa ang simbahan ng Romano Katoliko ilang daang libong taon na ang nakararaan, nakita ni Martin Luther ang maraming mali sa kanilang mga lakad kaya sya humiwalay dito, ngunit sya’y nagpatuloy sa pagbautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Noong 1525, ang mga Anabaptist ay nakitang mali ang pagbautismo sa mga sanggol, at sila’y nagsimulang magbautismo sa mga nasa tamang edad na (“The Growth of the Christian Church”, ni Nichols, pahina 231). Noong 1700, si John Wesley naman ay nakatanggap ng higit na liwanag sa Banal na Kasulatan, ngunit ipinagtuloy pa rin niya ang Romano Katolikong pormula ng pagbautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Pagkatapos ay dumating naman ang “Pentecostes” (noong unang bahagi ng ika-20 na siglo) at ang mga mananampalataya ay nangagpuspos ng Espiritu Santo, ngunit ang karamihan ay kumapit pa rin sa parehong pormula, at ito ay nagpatuloy. Kaya sa higit 1600 na taon, mayroon tayong bautismo na hindi kagaya ng orihinal na itinuro ng Bibliya– sinagawa ito ng tama ng mga apostol, ngunit binago ito ng simbahan ng Romano Katoliko.
MALING BAUTISMO
Ang orihinal na pormula pati na rin ang buong pamamaraan ng pagbabautismo ay binago nila. Pagkatapos na mawala sa eksena ang Panginoong Hesu Kristo, pati na rin si Pablo, Pedro at ang iba pang mga magulang nang unang Iglesia, ang R. K. ay nagsimulang magbautismo sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig sa mga noo ng mga maliliit na bata at ginamit nila ang mga titulo na Ama, Anak at Espiritu Santo kaysa sa Pangalan. Sa Gawa 2:38 mababasa natin na sinasabi, “Mangagsisi kayo, at mangagpabautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Hesu Kristo sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan“, ngunit papaanong makapagsisi ang isang sanggol kung hindi nya pa alam na siya ay makasalanan at kung anu ang kanyang mga kasalanan? Anong bahagi ng bautismo ng R. K. ang mali? Lahat ng iyon ay mali! Bawat bahagi nito ay mali. Walang ganoong bautismo sa Bibliya. Sinasaad ba na dapat bautismohan ang mga sanggol gayong hindi pa nila alam na sila ay makasalanan at hindi pa sila marunong magsisi? Ang may tubig na bahagi ng ganoong bautismo ay mali din. Hindi lang dapat binubuhosan ng tubig ang noo ng sanggol o ng matatanda para mabautismohan, sa halip, nilulubog dapat sila sa tubig; at hindi mo ito maaaring gawin sa mga sanggol, maaaring malunod sila. Ang paggamit ng mga titulo ay mali din. Kaya ang buong bautismong iyon ay mali. Sa katunayan, ang mga taong nabautismohan sa ganitong paraan ay hindi talaga nabautismohan dahil ito ay hindi ayon sa Biblia. Kaya ang bawat bahagi ng bautismong ito ay ganap na mali. Ngunit dahil atin nang nakamtan ang kapahayagan tungkol sa tunay na bautismong Kristiyano na naaayon sa Bibliya, alam na natin kung anu ang totoong bautismo.
ANG BAUTISMONG AYON SA BIBLIYA
Ang mga sumusunod ay ang mga bersikulong nagsasabi ng GANAP NA PAGLUBOG sa tubig ng binabautismohan:
Mateo 3:16: “At si Hesus noong Siya ay binautismohan pagdaka’y umahon sa tubig.”
Gawa 8:38: “At sila’y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating at kaniyang binautismuhan siya.”
Roma 6:4: “Tayo nga’y nailibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan.”
Ayon sa Roma 6:4, ang Bautismo daw ay isang uri ng kamatayan natin sa ating makasalanang sarili at isang paglilibing sa ating mga kasalanan. Kaya nga dapat buong katawan ang ilubog sa tubig.
Kaya nga tayo ay nagbabautismo sa mga taong nasa tamang edad na para malaman nila na sila’y makasalanan at para makapagsisi sa kanilang mga sala. Gayunpaman, sila man ay nasa tamang edad o matanda na, sila ay binabautismohan natin sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo na siyang NATATANGING TAMANG PORMULA NA AYON SA BIBLIYA. Ang bawat tao na nabautismuhan sa Biblya, na tinatayang hindi bababa sa 8,012 lahat, ay NABAUTISMUHAN SA PANGALAN NG PANGINOON HESU KRISTO.
Basahin ang Acts 8:16 , Acts 10:48, Acts 2:38, Acts 4:10-12, Acts 19:3-6
Kung titingnan natin ang turo ni Pedro, pati na rin ang turo ni Pablo (si Pablo ay isang mensahero at Apostol), makikita natin na sila ay parehong nagturo at nagsagawa ng bautismo sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo. Ang sinomang nagbabalewala sa mga aral na itinuturo nila, ay parang binabalewala na rin ang buong Bibliya.
Napakahalaga na ating sinusunod ang banal na Kasulatan, at hindi ang mga tradisyon ng tao. Tandaan sa Galacia 1:11-12, “Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito’y hindi ayon sa tao. Sapagka’t hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi sa pamamagitan ng pahayag ni Hesu Kristo“ (Basahin din ang talata 16. At tandaan din ang Galacia 1:8,9) “Datapuwa’t kung kami, o isang anghel man na mula sa langit ay ipangaral ang iba pang ebanghelyo sa iyo kaysa sa inyo ng tinanggap, ay hayaan siyang sumpain.” Kaya nga ang lahat ng mga ministro na nagbabautismo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo ay isinumpa ayon sa turo ni Pablo. Ngunit wala silang kaalam-alam na sila ay sinumpa. Ang ilan sa mga taong nagdududa ay nanindigan pa rin na mas susundin daw nila ang utos ng Panginoong Hesus kaysa kay Pedro. Ngunit pansinin natin ang Gawa 1:1-2, sinasabi dito na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, si Hesus ay nagbigay ng kautusan sa mga Apostol; at binigay nya rin ang mga susi ng kaharian kay Pedro. (Tingnan sa Mateo 16:19.) Kaya si Pedro na puspos din ng Espiritu Santo ay inutos sa mga tao na magpabautismo sa PANGALAN NG PANGINOON (Hesu Kristo) sa Gawa 2:38, at 10:48.
Sa Juan 16:12-13, mababasa ang ganito:
“Mayroon pa akong maraming bagay na sasabihin sa inyo, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis, Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili, kundi ang anomang bagay na kaniyang narinig, ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating.” Sa talatang ito, makikita natin na habang may mga bagay na hindi pa maunawaan ng mga Apostol noong kasama pa nila ang Panginoon dito sa lupa, ihahayag naman ng Espiritu Santo ang mga ito pagkatapos ng pagkabuhay ng ating Panginoon. Sa ibang salita, BAGO at mga PROGRESIBONG katotohanan ang ihahayag ng Espiritu Santo. Tingnan din ang Juan 14:26, kung saan ipinangako ni Hesus na ang Espiritu Santo ay magtuturo sa kanila ng lahat ng mga bagay. Ang Espiritu Santo ay naghayag sa kanila at nilinaw Nya sa mga Apostol na ang Pangalan ng Ama Anak at Espiritu Santo ay walang iba kundi PANGINOONG HESU KRISTO (na hindi isang titulo).
ANG BAUTISMONG GINAMIT AT TINURO NG MGA APOSTOL
Bilang karagdagan sa mga 8,012 katao na nabanggit, nakita natin sa Mga Gawa 18:8 na matapos madinig ang mga turo ni Pablo, si Crispo, ang pinuno ng sinagoga ay nanampalataya sa Panginoon pati na ang kanyang buong sambahayan, at marami sa mga taga Corinto ay naniwala din at nabautismuhan. Itinuro ni Pablo ang bautismo sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo katulad ng nangyari sa Gawa 19:1-7, kung saan ang mga taga Efeso na nabautismohan na sa bautismo ni Juan Bautista ay muling nagpabautismo sa Pangalan ng Panginoong Hesus Kristo pagkatapos nilang marinig ang turo ni Pablo tungkol dito.
Muli, bilang karagdagan sa nabanggit nang 8,012, nabasa natin na si Felipe din noong siya ay nasa Samaria, ay nagbautismo rin ng ilang mga tao sa Pangalan ng Panginoong Hesu Kristo (Mga Gawa 8:5,12,16) at kahit si Simon na mangkukulam ay nabautismuhan din (talata 13).
ANG PANGALAN NG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO
Tungkol naman sa mga salita na sinabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 28:19 “sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.” Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay mga titulo, hindi mga pangalan. Maraming mga “Tatay” ang tinatawag ding “Ama”, ngunit ang salitang ito ay isang titulo lamang at bawat isa sa mga “Ama” na ito ay may kanya-kanyang sariling pangalan. Ang PANGALAN ng Ama, Anak at Espiritu Santo ay PANGINOONG HESU KRISTO. Tandaan na sa Isaias 9:6 ang Anak ay tatawaging “Makapangyarihang Dios, Walang hanggang AMA“. Sa Juan 5:43, sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa PANGALAN NG AKING AMA.“
Bigyan din natin ng pansin ang Phil. 2:9-11. “Kaya nga ang Diyos din naman ay pinadakila Siya, at siya’y binigyan ng PANGALANG LALONG HIGIT SA LAHAT NG PANGALAN;. Upang sa PANGALAN NI HESUS ang bawat tuhod ay luluhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa“. Bigyan ng pansin lalo na ang talata 11, na nagsasabing ang bawat dila ay magpapahayag sa Kanyang PANGALAN. Ang bawat dila at bawat tuhod ay dapat amining si Hesus ay Panginoon at ang Kanyang Pangalan na Hesu Kristo ay ang PANGALAN na lalong higit sa lahat ng mga pangalan.
KAILANGANG MABAUTISMOHAN TAYO SA PANGALAN NG PANGINOONG HESU KRISTO
Kapatid, tayo’y nabubuhay na sa panahon ng paghahanda sa muling pagbabalik ng ating Panginoon. Ang totoong buhay na Nobya ni Kristo ay tatanggapin ang lahat ng katotohanang nasa Biblia, ngunit ang mga taong walang pakialam kung sila ba ay kabilang sa Nobya o hindi ay maniniwala sa mga katha at mga tradisyon. Ang lahat ng mga nasa denominasyon ay tututol sa ganitong BAUTISMO dahil para matanggap nila ito, kailangan muna nilang aminin na ang tinuturo ng kanilang denominasyon ay mali, at ito ang hindi nila magagawa. Gayunman, silang mga bumubuo sa Nobya ni Kristo ay magiging bukas sa mga katuruan sa katuwiran ng Diyos at bukas pati na rin sa pagwawasto. Tayo ay dapat maiwasto kung tayo ay mga anak ng Diyos. Katulad nang kung tayo ay isang pamilya na iwinawasto at tinuturuan ang kanilang mga anak, na isang palatandaan na mahal natin sila, kailangan din naman nating hayaan ang ating sarili na maitama ng Salita ng Diyos.
Kung maglalaan tayo ng oras upang tingnan ang mga talata ng Kasulatan sa itaas at manalangin tayo para dito, tiyak na ang Panginoon ay iihayag ang Kanyang Salita sa atin. Napakahalaga na masigurado natin na ang ating mga buhay ay gingamit sa buong pagsunod ng Kanyang Salita.
Balang araw, tayong lahat ay haharap sa ating Panginoong Hesus. Kapag dumating ang araw na iyon, masasabi mo bang dala mo ang Pangalan Nya?
Panalangin kong pagpalain ka nawa ng Panginoon sa iyong pag-aaral ng Kanyang Salita.
More Stories
THE TWO WORLDS
HOW TO BRING OUT HIDDEN SPIRITUAL TREASURES FROM THE BIBLE
HOW TO POSSESS THE KNOWLEDGE OF GOD